Cinemalaya 2016

Sobrang late na nito pero kailangan kasi ~memories~. Ayun, unang taon namin ni CJ (na lagi kong kasama tuwing pupuntang CCP) pumunta sa isang Indie Film Festival. Naplano na talaga namin to last February pa nung nasa Pasinaya kami. Dahil nag eenjoy kami sa CCP, why not try Cinemalaya. Dati ko pa naririnig to kaso wala talaga akong makasama na mahilig sa mga ganitong bagay. Maraming salamat hinulog ka ng langit, CJ. Hahahaha! Dumating na nga ang panahon, at natuloy sa wakas. (Filipino tong post na to kasi bakit ba. Kasawa mag English. Maiba tayo.)


Eto pala, sa mga estudyante diyan, take this opportunity para makanood ng mga ganitong klaseng pelikula dahil hindi naman ito maituturo sa mga paaralan. Tayo mismo ang lumapit para matuto. Atsaka less 50 pesos kaya sa ticket.

Marami rin palang merch ang mabibili kaya mas mabuti kung makakaipon! Mahilig ako mangulekta ng mga merch kaya kahit isang shirt or pin, okay na!

NOTE pala, di ako nag rereview ng mga films kasi baka kung ano-ano lang sabihin ko kaya shut up na lang ako.

Dapat tatadtaran ko ang post na to ng mga pictures eh kaso tinamad akong magorganize ng mga pictures dahil ang rami at di ko alam ang alin, wag na lang. Magkwekwento na lang ako sa 3-day adventure namin ni CJ. At sige na nga, maglalagay ako ng iilang pictures para di boring. Okay?

DAY 1-August 6, 2016
Dapat talaga, ang papanoorin namin nung araw na yon, Kusina, Dagsin, at Apocalypse Child. Dahil nasold-out kaagad yung unang dalawa, Apocalypse Child lang na 9PM (!!) pa ang screening. Meron palang mga free screening na pwedeng panoorin habang naghihintay. Mga animations. Tambay at ikot-ikot sa CCP ng mga 4 na oras. Matindi. Pero okay naman dahil nakita namin si Sir Ricky Lee at syempre, photo op! Magaling na manunulat. Dahil gala pala ng I America, maraming artista pero sige wag na nating pangalanan.

Ay, eto pa pala, habang patawid kami, may ateng nagtanong ng oras sa akin, sabay-sabay kaming lumakad tapos tinanong niya kami ganto, ganyan, kung first year ba namin. Sayang di namin naitanong ang pangalan ni ate! Wala lang, ang saya kapag may mga ganong ngyayari.



DAY 2-AUGUST 11,2016
Dahil Gala ng Shorts A, kung saan kasama si Alex Medina, minamahal ni CJ, akala namin pupunta siya, pero wala. Umasa kami. Nonetheless, okay pa rin naman. Ano bang pinanood namin? Pamilya Ordinaryo (Pinapalabas ito sa mga piling sinehan), Pagong Pamilya ni Ponching at syempre yung Shorts A.

Oo, umabsent ako para dito. Minsan lang to at hindi lang naman basta gala ang ginawa namin.


DAY 3- AUGUST 13, 2016
I America, Mercury is Mine, Traslacion. Kung meron mang dapat mapanood ng lahat lalo na sa panahong ito, Traslacion. Nirelease in public pala yung screenplay ng Mercury is Mine! Kung maidodownload niyo, basahin kasi merong mga scenes na wala sa mismong film!

Kung meron mang naituro ang experience na to sa akin yun ay ang tuluyang hindi pagsuporta sa piracy. Oo inaamin ko dati, torrent dito, doon. Pero naisip ko, grabe ang pinuhunan ng mga producer at effort ng lahat ng gumawa ng pelikula kaya dapat, respeto. Piracy is theft. Kung darating man ang araw na makakagawa, sana, ako ng pelikula, naks, siguro kung makikita ko na pinipirata lang ang pinaghirapan ko, aba! Kaya simula nung araw na yon, isinumpa ipinangako ko sa sarili ko na sisikapin kong manuod sa mga sinehan o kaya bumili ng orihinal na kopya. Binuksan nito ang aking mga mata sa mga bagay na dapat at hindi ginagawa. Sana kayo rin.

Probably next year, mga gala ang pupuntahan namin atsaka mga full length films. Ang dami naming di napanood dahil may mga pasok. Hanggang sa isang taon!! Maraming salamat Cinemalaya at CCP!

No comments