BEST DAY EVER

I actually finished a draft for this one days ago but I accidentaly deleted it! Imagine my horror. Baka may idea na kayo kung saan tungkol ito dahil di talaga ako nakamove on dito eh. Sa twitter, instagram, I raved about it. I want this to be raw as possible. Yung parang pag binasa ko ulit, I'll feel the same way when I was on the event. Sobrang saya, wala sa plano ang lahat.

(Originally posted on my Instagram [@leiregeel])
Ang gusto ko lang talaga sa 18th birthday ko eh marinig ng live si Ebe Dancel (@ebedancel) at makita si Avelino sa personal which I thought would never ever happen but it did. 2 months and 3 days earlier. I MUST BE DREAMING.

Hindi talaga planado yung pagpunta namin sa Rob Manila. Kaya kami nasa Maynila ay para sa yearly Pasinaya namin ni CJ (@cjsaluya1975). Given na illiterate kami sa Maynila, nasa UP Museum kami when we decided to walk around while waiting for the van to fetch us. To my surprise, katabi lang pala noon ang Rob Manila. Prior, alam ko may tour ang IDILY don pero wala sa hinagap ko na dadalhin kami doon ng mga paa namin. I can remember how ecstatic I was. "SHIT SHIT SHIT CJ NANDITO SINA AVELINO" was my words. (Thanks so much CJ kasi yung Pasinaya natin natuloy sa mall tour. Yamo, babawi ako kay Alex Medina.) Ayun nga, we rushed and asked where the event was. We waited for an hour. Sobrang worth it yung pagtayo. Di pa rin ako makapaniwala noon. Na nandon kami, makikita ko si Avelino for the first time (sinabi ko na sa sarili ko dati na there's no way I'll see him in person. Pero natupad!!!). Di pa nagsink in noon na nadon rin si Ebe. Ayun, nagsimula, tinawag si Johnoy Danao tapos si Ebe. Nung pagkita ko sa kanya, alam mo yon, parang "WTH TOTOO BA TO? ANG AGANG PABIRTHDAY NAMAN NITO!!!!!" I sang along. They sang burnout. SHIT BURNOUT, GUYS. BURNOUT. That's my favorite song next to Bawat Daan. I did not know how to feel that time. Paulo Avelino, Ebe Dancel, Johnoy Danao, Juan Miguel Severo, Maja Salvador. Sama sama na. Parang talagang pinapunta kami doon ni Lord. Right after, sabi ko kay CJ, "shit bakit ganon wala akong maramdaman. Di pa rin nagsisink in!", "Lei nakita mo si Avelino.....!!!!!!"

Yung araw na yon, sobrang saya. Ngayon lang nagsink in ang lahat. Sobrang aga ng pabirthday. Sige, kahit wala ng handaan. Okay na ako. Masaya na ako. THANKS SO MUCH EBE & AVELINO!!! (Sa picture, I'd like to believe our eyes met kahit sobrang bilis. Sorry blurred yung kamay hahaha). Pero di pa rin magbabago wish ko sa birthday ko. I still want to see and hear Ebe Dancel live at kahit picture lang kay Avelino!!!!!!!!!!!!!!!! WAKE UP, SELF!!!! NANGYARI YON LAHAT!!!!
Yung dati na akala ko sobrang imposible, natupad. Ahhh! Mag-iisang buwan na ang nakalipas pero di ko makakalimutan ang araw na yon. Sobrang lutang ko nung nandoon kami. Parang shet, hindi naman to panaginip diba? Totoo pala yung ganong feeling. Iba eh, iba.
Pero syempre, everything would not be possible kung hindi kami natuloy ni CJ sa Pasinaya. CJ, kung mababasa mo man to, thank you talaga. Atsaka yung sa t-shirt! Alam mo naman ako hahaha! Kung sa iba, hindi naman magtitiyaga na tumayo ng isang oras sa paghihintay. I'd like to believe kasi we both like the same things. Wow. Basta, babawi ako. Thank you talaga.
Di ko alam kung saan na papunta tong post na to. Everything was not according to plans. Dapat kasi talaga babalik na kami ng CCP at pauwi na. Pero asjasdlksjfkljsflksdf. I still cannot contain my feelings. Iba yung pakiramdam nung narinig ko ng live si Ebe Dancel. Nakakakilabot in a good way. Tagus-tagusan eh. Sobrang gwapo ni Paulo Avelino jusko. Ayoko na.
Ay baks wait! I'm Drunk, I Love You pala! Manuod kayo kapag hindi pa. There's no way you'll miss it! Ako na magsasabi, magsisisi kayo na di niyo napanood. We need more films like this. Visit their page para malaman niyo kung saan pa showing!

No comments